error code:
RadyoBanderaNews90.3FM
Sign-In
Verify Email Address Account Sign-Out
Menu
Homepage News
Program
Schedule Shows Specials
Program
Schedule Shows Specials
Staff

Embed The Radio Player In Your Website
Copy the code below and paste it into your website.

Download our desktop apps

Back to news

Mega Sewage Treatment Plant sa Mandaluyong, pinasinayaan ni PBBM

2026-01-16 04:00:00
4
0

Mega Sewage Treatment Plant sa Mandaluyong, pinasinayaan ni PBBM

Pinasinayaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Biyernes ang 60-milyong-litro-bawat-araw (MLD) na Aglipay Sewage Treatment Plant (STP), isang malaking pasilidad na layong pagandahin ang kalidad ng tubig sa Kalakhang Maynila at pangalagaan ang kalusugan ng publiko.

Sa kanyang talumpati, sinabi ng Pangulo na ang bagong sewage treatment plant ay isang kongkretong hakbang sa pagtupad sa responsibilidad ng pamahalaan na tiyakin ang access sa malinis na tubig para sa lahat ng Pilipino.

Sasaklawin ng Aglipay STP ang 2,115-ektaryang catchment area sa Mandaluyong, San Juan, at Lungsod Quezon, at makikinabang dito ang mahigit 650,000 residente.

“Beyond the machinery, fascinating as it is, what really matters is the result, and that is cleaner water returned to the environment and reduced exposure of our people to the hazards of untreated sewage,” ayon sa Pangulo.

(“Higit pa sa makinarya, ang tunay na mahalaga ay ang resulta: mas malinis na tubig na naibabalik sa kalikasan at mabawasan ang pagkabantad ng ating mamamayan sa mga panganib mula sa untreated na mga sewage o dumi.”)

“This is how a carefully planned and thoroughly executed infrastructure directly improves the lives of our people.”

(“Ito ang bunga ng maingat na pagpaplano at masusing pagpapatupad ng imprastraktura na direktang magpapabuti sa buhay ng ating mga kababayan.”)

Ayon kay Pangulong Marcos, mararamdaman ang epekto ng proyekto araw-araw sa mga tahanan, ilog, at komunidad.

Ang pasilidad, na pinangangasiwaan ng Manila Water, ay itinayo sa halagang PhP3.93 bilyon. May kakayahan itong maglinis ng hanggang 60 milyong litro ng wastewater kada araw at idinisenyo upang mapalawak hanggang 120 milyong litro kada araw kasabay ng paglaki ng populasyon sa lugar.

“This means that more liters of safe water is available for public consumption and more rivers and seas are preserved for future generations,” ayon sa Pangulo, na idinagdag na ang treatment ng wastewater ay mahalaga para sa kalusugan ng publiko, pangangalaga sa kapaligiran, at pag-unlad.

(“Nangangahulugan ito na mas maraming litro ng ligtas na tubig ang magagamit para sa publiko at mas maraming ilog at dagat ang mapapanatiling ligtas para sa susunod na mga henerasyon.”)

Binanggit ni Pangulong Marcos na sa pamamagitan ng pagbawas ng dami ng untreated na wastewater na dumadaloy sa mga ilog, makatutulong ang pasilidad na ito na mapabuti ang lokal na kalidad ng tubig at masuportahan ang pangmatagalang rehabilitasyon ng Manila Bay.

Dagdag pa ng Punong Ehekutibo, hindi nagtatapos sa Aglipay STP ang pagsisikap ng pamahalaan, sapagkat kasalukuyang ginagawa ang lima pang wastewater treatment plants bilang bahagi ng programa ng administrasyon upang palakasin ang imprastruktura sa tubig at sanitasyon sa Metro Manila at mga karatig na lugar.

Sa ilalim ng Revised Concession Agreement at Republic Act Nos. 11600 at 11601, layunin ng pamahalaan na pagsapit ng 2047 ay makonekta ang 76 porsiyento ng mga kabahayan sa Kalakhang Maynila, Cavite, at Rizal sa sewerage system, habang ang natitira ay saklaw ng wastong serbisyong sanitasyon.

Kinilala rin ni Pangulong Marcos ang Manila Water at Megawide Consortium sa pagtatayo at pagpapatakbo ng pasilidad, at sinabing mahalaga ang kanilang kadalubhasaan sa pagtugon sa mga pamantayang pangkalikasan at sa pagbibigay ng maaasahang serbisyo.

Panghuli, binigyang diin ng Pangulo na hindi sapat ang imprastruktura lamang at nanawagan siya sa mga ahensya ng pamahalaan, pribadong sektor, at publiko na magsagawa ng responsableng pagtatapon ng basura at panatilihing malinis ang kapaligiran.

“Ang kalinisan ng ating kapaligiran ay salamin ng ating disiplina bilang isang bayan,” diin ng Pangulo. | PND

Share This Article

Comments

Add Comment
Login to comment Verify your email to comment

No Comments Yet...

There was an error while fetching comments, Please try again later

888888888

mmmmmmmmm

ooooooooo

nnnnnnnnn

ttttttttt

uuuuuuuuu

eeeeeeeee

sssssssss

wwwwwwwww

hhhhhhhhh

rrrrrrrrr

fffffffff

iiiiiiiii

ddddddddd

aaaaaaaaa

yyyyyyyyy

888

mmm

ooo

nnn

ttt

uuu

eee

sss

www

hhh

rrr

fff

iii

888

mmm

ooo

nnn

ttt

uuu

eee

sss

www

hhh

rrr

fff

iii

ddd

aaa

yyy

month

88

88

day

88888

88888

UTC

88

88

hour

:

88

88

minute

:

88

88

second

am

pm

Program Lineup

Previous Article

Former K-pop idol Shim Jaehyun passes away at age 23
Former K-pop idol Shim Jaehyun passes away at age 23 - https://radyobanderanews90.wixsite.com/radyobandera-newsfm
2025-07-02 19:00:00
21

Next Article

Globe-Starlink Ceremonial Signing of Memorandum of Agreement Next Generation Connectivity
Globe-Starlink Ceremonial Signing of Memorandum of Agreement Next Generation Connectivity: Every Filipino Connected
2026-01-16 17:36:00
4
All Right reserved by Radyo Bandera News 90.3 FM.
Privacy Policy Terms Of Service
Powered By Caster.fm Streaming Solutions.